Read my life

ABOUT
Miguel Lazarte
Incoming Senior at Parañaque Science High School


A 15-year old with a million issues of dealing with reality with closed eyes.
Nakahanap na sya ng mga totoong kaibigan ngayon.

Andito buhay nya't lahat lahat.

Visit his creative blog of prose and poetry at my writing block

ASK ME ANYTHING

SEARCH

Yeah, senior na ako, officialy, tomorrow.

Satisfied ako sa mga pinaggawa ko ngayong araw.

Una, nagising ako like any other summer day, at alam kong huling araw ko na magagawa ung ganung oras na paggising kasi alam ko simula bukas four o’clock na simula ng paggising ko hanggang dulo na yun, pero ayoko magoverthink.

Wala naman akong ginawa kasi alam kong mamimiss ko to, nanuod lang ako ng TV, nag-Tumblr, nag-Twitter, at nag-Facebook. After nun, nagbasa nalang ako ng libro. Kumain, tapos humihiga. Ang saya, ang laya ko. Sana ganito din ung deathbed ko.

Bukas, medyo excited na ako handa na lahat except ung mga damit ko, di ko alam kung anong ipagbabago pero isa lang objective ko ngayong Senior year ko: Since last year ko na nanaman to ng High School, magsasaya nalang ako, itatake ko nalang lahat ng opportunities kung ano man yun, magshishine na ako, lagi akong sasabak sa mga issues, kasi alam kong di na ganun pang kaimportante reputasyon ko. Siguro mag-aaral nalang ako ng maigi para sa ikabubuti, makikipagkaibigan pa lalo kasi balang araw sandali na alna 10 months para magsama sama kami. Bukas na din ang simula ng countdown bago magpaalam kami lahat-lahat.

Expect more senti moments, heartbreaking scenes, and a dozen melodramatic speeches from everyone. Mamimiss ko to.

Goodbye BEST SUMMER VACATION EVER.

Andaming rason para ilahad ko kung bakit best best to pero isa lang sasabihin ko: masaya ako. Sana ganito nalang lagi.

Iisipin ko nalang lhat ng mangyayari bukas. Magigising ako, magseservice, papasok, uuwi. Ano bang pinagkaiba? Wala diba! Pero it’s all in the mind lang naman e. Ang unang araw walang pinagkaiba sa mga sumusunod hanggat pasukan yan, pasukan yan.

So yea, good luck sa akin. Sa ating lahat, na papasok na bukas. God Bless, mahal ko kayo >:D<

Mahirap man isipin, may mga bagay lately, siguro this summer lang, na bigla ko nalang ginawa. Ewan ko, conscious naman ako sa realidad, for now, pero parang wala lang, feeling ko kasi for a change naman siguro lahat, pero di ko lam kung babalik pa ako dun sa mga pinaggagawa ko dati. Rants.

Tag(s): #rants

Dyan ako naglagay ng rants ko kagabi. Hahaha.

I’m a day away from hell. It starts tomorrow at ‘eto ako, ginagawa ko ung best ko na hindi mag-overthink.

Feeling ko, ‘pag pasok ko bukas, wala lang parang normal na araw lang din last year, with the fact na iba lang ang room at iba na ang subjecs at mga teacher. Same faces, hate it. Napakabitter ko sa C, hayaan mo na first time ko kasi maranasan na block talaga e. Kami lang din kami lang din kami lang din.

Nababangag lang ako ngayong gabi. Bukas nalang ng umaga. Magsusulat nalang ako ng mga storyang nakakatawa at walang kwenta, seryoso hahahaha. Pampalipas oras.

Una sa lahat, namomroblema pa rin ako kasi ‘di ko alam kung mahaba ba ‘tong buhok ko, kasi huling paggupit ko mga May 14 ata. Eh, ang OA pa naman nitong buhok ko, parang pag tiningnan sobrang haba pero hindi. Anyway

Okay, Saturday. Sunday. Tapos school na. Grabe, wala lang. Gulat ako. Late na ako nagising, sobra, mga 2 o’clock na ng hapon. Anyway, na-e-excite ako e, pero mag-aaral nalang ako kasi last year na naman ‘to e.

Sana ngayong June maging masaya tulad nung May, pero parang hindi e. Pabayaan ko nalang ang tadhana dumala sakin! 

Di ko alam kung magiging masaya ako sa pagising ulit ng 4 o’clock, at umuwi ng 7 o’clock. So help me, God.

Namimiss ko na magtype ng mga posts tuwing uwian tapos sasabihin ko ‘KV’ (Kilig Vibes) or minsan ikekwento ko pa pero malabo. Namimiss ko na talaga ung pagdating ko sa bahay, napaka-satisfied na ako dahil lang sa isang tao, nakakatuwa no? Ung uuwi ka, matutulog ka, at gigising ka na nakangiti?

At ‘eto na ako ngayon, mukha akong tanga, ‘loser’, desperado, walang kwenta, at walang ginagawa. Ano nga ba trip ko? Ewan ko din. Kaya minsan pag tinatanong ko sarili ko kung bakit ang bitter-bitter ko, ‘di ko ‘lam sagot. So technically, wala naman talagang dahilan pero parang sa pag-ibig lang, alam kong meron pero di ko alam ung dahilan behind it.

Siguro kekwentuhan ko nalang kayo nung mga araw na (para sa more appropriate term) mas masaya ako, pwede na mga pinakamasaya kong araw:

Ung mga times na mag-uusap lang kami bilang kami lang, walang ka-ila-ila, walang malisya, wala pa. Siguro ‘eto ung oras na sabik na sabik na ako sakanya, pero ‘di ko pa sinasabi sa kanya ung mga nararamdaman ko dati. Ang saya kaya nun. Parang feeling ko talaga ang espesyal ko, tapos parang ang halaga ko sakanya. Wala lang, ok. Gusto ko lang malaman nya na napakahalaga nyang elemento ng mga malalalim na bagay na nagpapasaya sakin. Ewan ko, kahit siguro presensya nya lang—o ung pag papasok sya sa classroom, parang tatalon na ako sa saya. Lalo na pag nagtatabi kami, lalo na pag naguusap kami: walang ang simple lang ng pagmamahal ko sakanya. Hindi pa kumplikado, pero mahal ko pa rin e at okay lang sakin.

No regrets, just love.

OK. Late na ako kasi dumating ako ng bahay lampas 12 na, kaya di na ako nakapagsulat ng Estimation ko kanina na 1375 dapat. Anyway, magkekwento nalang ako ngayon

Late na ako nagising kasi 5:40 nag-alarm. Ok, OA un. Hahaha, sanay lang kasi akong early bird. OK, so simulated test ngayon and final day na rin ng review. Skip skip na tayo. Ang sakit sa ulo pagdating ng dulo kasi total ba naman mga 300++ lahat items e. Anyway, after this nagpunta kami McDo Lasalle kasi kakain syempre with Kath, Renzo, Kat, Thea, Mike, and Karl blah blah usap usap tawa tawa vain vain. Skip skip, Humiwalay si Thea at Kat umuwi na sila via LRT Onga pala di ako nakapaglast LRT kasi nagbus kami pa-Baclaran.  Aww, mamimiss ko LRT :( Anyway, yeah nag-jeep humiwalay na si Mike samin kasi wala na daw syang gagawin

So it leaves us with Karl, Renzo, and Kath. Pumunta school nandun si Ate Steph and 4-A’s tapos dumating si Lo at Adan, ok wala masyadong nangyari nagbuhatbuhat, proud si Renzo sa fRENZOned nya. Ok, mas naunang naging hyper si Renzo tapos si Kathleen.

Copyright Kathleen, vanity natin

Tapos blabla, madaming kelangan alalahanin pero tinatamad na ako, blah blah naalala ko nagsayawan ng cheerdance at FFD sa likod ng school tapos nagconcert yeah uminom ng Mango Shake at free Mango Shake from Sir Vibal dahil nagbuhat kami.

Copyright Kathleen ulit, vanity vanity stolen.

Yiee, hahaha. Nakalimutan ko binubulong ni Renzo dyan ee, kaya ko pinost tong picture na ‘to kasi wala dito ung dogtag ni Renzo, nasaan nga ba? Baka kay Kathleen tapos akin tapos back to Renzo.

Uhhuh, umuwi na dapat pero pupunta pa ako MoA pero sinamahan nila ako tumawid hanggang sumakay yeay, salamat. Pagdating sa MoA, kumain kami dinner date with family, ipopost ko nalang bukas hahaha. GoodNight, lupaypay na ako, 20 hours na akong gising. :)

Nakakamiss lang talaga. ‘Ung mga oras na may ginagawa ka, na pwede na nating sabihin common, tapos maalala mo na mag-isa ka lang pala gumagawa nun. Na dati may kasama ka habang ginagawa un—alam mo ung feeling na un? Feel mo nawala na lahat sa’yo. Nanakaw na lahat ng mga bagay na akala mo napanghawakan mo na. Pero all those time di pala, akala mo lang nahawakan mo pero hindi, nagle-let go ka tapos wala naman pala dapat ilet go, parang tanga nga lang.

Siguro oras na para tumingin-tingin; tama sinabi mo. Masyado ata akong nabulag at ‘di ko napagbigyan sarili ko na magsalamin at tingnan kung ano problema. Di ko nakausap sarili ko dahil masyado kong pinanindigan mga gusto ko. 

Nang tumingin-tingin naman ako, sinubukan kong maghanap. Naghanap ako, pero puro mga taong parte lang ng buhay ko sumasalo sakin pagdating sa dulo. Siguro may nakita man ako dyan sa tabi, hindi ko kilala. O may kaibigan naman akong nakita ko, ayoko rin kasi wala e. Pero patuloy kong hahanapin kung ano man un, walang nagsasabi saking maghanap pero hinahanap ko. Wala kasi akong mapapala kung maghihintay nalang ako at di rin naman dadating rin ung inaasam ko e, siguro bilang pampalipas-oras at pampabilis, tatayo nalang ako at hahanapin kung sino nawawala.

untoldstar said: IDOL~ Wag na madrama. I luff you, migz! >:D<

Thank you din!  (kunyari di din tayo close)

kaaatlovesyou said: walangya ka miguel. ganda ng blog mo.

Thank you! (kunyari di tayo close)

Okay lang kung ayaw mo. Pero lubhang ikatutuwa ko kung magagawa mo yan.

Ayoko na kasing maramdaman na nandito lang ako for something e. Tapos ibabato na. Hindi ako disposable o wag mo paramdamin na ganun ako. Alam kong walang permanente sa mundo, pagkakaibigan man tong sinasabi ko o pag-ibig, di ko alam kung ano pero kahit papano, wag mo sayangin sakin ang temporary-ness na iniisip mo kaya ginagawa mo hindi mo na masyadong papahalagahan para di na masakit para magpaalam, pero mas mabuti para sakin ung maramdaman ko kahit papano na espesyal din ako sa yo. Hindi ung One-for-all friend or lover, whatever.

Tag(s): #personal